Tunay na ang buhay ay sadyang mahalaga at dapat ingatan. Tayong lahat ay may pagkakataon na baguhin ang ating buhay para ito ay maging makabuluhan sa mga taong ating minamahal at lalung-lalo sa sarili. Bawat tao ay binigyan ng Diyos ng kalayaan para hanapin ang kaligayahan at kasaganaan sa buhay. At higit sa lahat mamuhay ng mapalayapa, may dangal at takot sa Diyos na siyang gawa ng lahat sa ibabaw ng lupa.
Malipayun kami bisan pobre ang kamutangan
Akun mga maguyang di kami ginbaya-an
Kag ang akun mga paryiente nagbulig gid
Para kami tanan ng akun mga manghud
Makapaggraduar sa kolehiyo
Naghutuhot gid aku bisan mahuga sa eskwela
Ngani nyan maayu na ang amun kinabuhi
Bisan malayu man aku sa akun panimalay
Ara gihapun aku sa uras ng kalisud
Maski diin aku, nadumdum ku gid sinda tanan.
Kwarenta’y-uno na katuig ang nagligad
Madamu na ang akun naagihan na kalisud kag kalipay
Di gid nagbag-o ang akun batasan kag prinsipyo
Nakapati gid aku na si Hesus ay ara sa akun luyo
Palangga nya ang akun pamilya - nyan, buwas, o maski san-u man!
* * * * *
Maligaya kami kahit mahirap ang kalagayan
Ang aking magulang hindi nila kami pinabayaan
At ang aking mga kamag-anak ay tumulong ng tapat
Para lahat kami ng aking mga kapatid
Makapagtapos ng kolehiyo
Nagsikap ako ng husto kahit mahirap ang pag-aaral
Kaya ngayon maganda na ang aming buhay
Kahit malayo man ako sa aking pamilya
Nandiyan pa rin ako sa oras ng kagipitan
Kahit nasaan ako, palagi ko silang lahat iniisip.
Apat-na-pu’t-isang taon na ang lumipas
Marami na ang aking naranasan na hirap at saya
At hindi nagbago ang aking ugali at pananaw
Naniniwala ako ng lubos na si Hesus ay nasa aking tabi
Mahal niya ang aking pamilya – ngayon, bukas o magpakailanman!
Recent Comments